Mga laro bukas:
(Filoil EcoOil Centre)
12 noon – San Beda vs Arellano
3 p.m. – Letran vs Perpetual
SINANDIGAN ng kulelat na Emilio Aguinaldo College si Nat Cosejo para sa wakas ay makapasok sa win column matapos ang siyam na sunod na talo kasunod ng 80-75 pagggulantang sa league-leading College of Saint Benilde sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Filoil EcoOil Centre.
Isang araw makaraang makopo ang All-Star Game MVP honors, napanatili ni Cosejo ang kanyang solid play na may 24 points, kabilang ang isang floater na nagbigay sa Generals ng 78-75 bentahe, may 48.7 segundo ang nalalabi, at 9 rebounds.
Nagdagdag si Ralph Bajon ng 16 points, habang umiskor sina Adrian Balowa at Allen Liwag ng tig-10 points para sa Generals.
Nauna rito ay naitala ng Mapua ang kanilang winning streak sa season sa pamamagitan ng 62-59 decision kontra Lyceum of the Philippines University.
Iskor:
Mapua (62) — Pido 11, Nocum 10, Bonifacio 10, Garcia 10, Hernandez 7, Mercado 4, Soriano 4, Cuenco 2, Parinas 2, Agustin 2, Salenga 0, Igliane 0, Lacap 0.
LPU (59) — Guadaña 15, Larupay 8, Umali 7, Bravo 6, Cunanan 6, Barba 4, Navarro 4, Montaño 4, Villegas 3, Valdez 2, Peñafiel 0, Omandac 0.
QS: 12-18, 30-29, 42-48, 62-59
Ikalawang laro:
EAC (80) — Cosejo 24, Bajon 16, Balowa 10, Liwag 10, Maguliano 6, Cosa 5, Dominguez 5, Ad. Doria 4, Quinal 0, Luciano 0, An. Doria 0, Tolentino 0.
Benilde (75) — Gozum 19, Nayve 13, Pasturan 11, Corteza 8, Oczon 6, Sangco 6, Lim 6, Cullar 2, Carlos 2, Marcos 2, Flores 0, Mara 0, Lepalam 0, Davis 0.
QS: 19-18, 39-40, 57-59, 80-75.