GEOPOLITICAL TENSION SA MIDDLE EAST LUMALAWAK

APEKTADO na rin ang mga Pinoy sa Lebanon dahil sa tumitinding geopolitical tension doon.

Nag-ugat ang lahat sa giyera ng Israeli forces at Hamas sa Gaza hanggang makakuha sila ng simpatiya.

Kung dati, ang sentro ng labanan ay sa Gaza Strip, ang Israel at Hezbollah sa Lebanon ay nasa krisis na ngayon ang sitwasyon.

Nitong Sabado ay ibinaba na ng Philippine Embassy sa Lebanon ang kautusang emergency repatriation.

Pinapayuhan ng Philippine Embassy sa Lebanon ang lahat ng Pilipino na lisanin na ang Lebanon habang nananatiling bukas ang mga airport.

Kung hindi man makaaalis, ini­rerekomenda ng embahada na sila’y lumikas sa mas ligtas na lugar sa labas ng Beirut, South Lebanon, at Bekaa Valley.

Ang immediate repatriation ay dahil sa tumitinding kaguluhan doon at upang hindi na madamay pa ang mga OFW sa karahasan.

Lagi rin sanang makipag- ugnayan ang mga Pinoy sa kanilang pamilya dito sa Pilipinas upang ma-update sa sitwasyon at matukoy ang kailangang tulong kaugnay sa kaguluhan doon.