ANG unang lenses para sa correction ng astigmatism ay design ni British astronomer George Airy noong 1825. Sa pagdaan ng panahon, ang paggawa ng frames para sa salamin sa mata ay nag-evolve, hanggang sa modernong eyeglasses na isinosoot ngayon.
Totoo nga bang may anti-radiation glasses? At kung oo, do they really work? Depende kung sino ang tatanungin mo. Bago pa lang kasi ito at wala pang gaanong napapatunayang research. Sabi ng American Academy of Ophthalmology, hindi raw ito kailangan kahit pa lagi tayong gumagamit ng computers dahil wala naman itong epekto. – SHANIA KATRINA MARTIN