George Royeca, Angeline Tham, Angkas King & Queen

ISINILANG  ang Angkas dahil sa mayamang imahinasyon ng mag-asawang George Royeca at misis na si Angeline Tham. Nauso na kasi ang habal-habal o motorcycle taxi, na dating ginagamit lang sa probinsya, at gusto nilang i-professionalize ito sa Metro Manila.

Si George ang unang Angkas CEO kaya nga kinilala siyang Emerging Entrepreneur of 2022 sa Entrepreneur of the Year Philippines awarding ceremony na ginanap sa Grand Hyatt Manila.

Kinilala ang transport advocate dahil sa kanyang pagsusumikap na maging unang motorcycle ride-hailing platform, at upang bigyan na rin ng professionalization ang mga motorsiklo bilang form of transport.

Naisip raw nila itong mag-asawa dahil nakita nila ang collective struggle ng sobrang daming f motorcycle owners na nagpipilit mag-negosyo para sa kanilang pamilya, kaya ginawa nila ang angkas.

Kilala rin si George na “Mister Angkas” at Mr. Problem Solver dahil marami na siyang plano, projects at advocacies na hindi lamang negosyo para sa kanya kundi panglutas din sa problema, hindi lamang para sa kanya kundi maging sa komunuidad.

Gamit ang Angkas Philippines, nakalikha ang mag-asawa ng 30,000 livelihood opportunities at sa loob ng susunod na 10 taon, nais niyang makalikha pa ng isang milyon pang trabaho.

Kinilala ang Angkas at nabigyan pa ng award tulad ng Airspeed Service Excellence Company of the Year in the Asia, CEO Awards 2022 Circle of Excellence, winner din ng isang gold at dalawang bronze Stevie Awards noong 2019 International Business Awards, at Digital Disruptor for Philippines sa 2019 Philippines IDC Digital Transformation Awards. Nakasama rin si George sa Ten Outstanding Young Men (TOYM) awardee ng 2020.

Sinisiguro ng mag-asawang fully trained ang kanilang mga Angkas drivers, at palaging ligtas ang kanilang mga pasahero. Para sa kanila, ang Angkas ay hindi lamang negosyo kundi paraan din ng pagtulong sa mga walang trabaho.

Sa ngayon, sina George Royeca at Angeline Tham ang Angkas Kuing and Queen. Si Angeline, bilang JP Morgan sa loob ng limang taon, ang tunay na utak ng revolutionary motorcycle taxi service, Angkas. Naisip niya itop dahil sa sobrang sikip ng trapiko sa Metro Manila. Isinilang sa Singapore at nakatapos ng business degree sa Stern School of Business sa New York University siya ang unang nakaisip ng negosyo.

Sa ngayon ay may 18 million riders na ang Angkas sa maramuing panig ng Pilipinas. Sa madaling sabi, 18 million din ang bilang ng pamilyang umaasa dito. NLVN