Georgianna Carlos, serial entrepreneur

HINDI po killer. Serial entrepreneur o si si Georgianna Carlos na nakabase sa Pilipinas. Kasi naman, pag-aari niya ang tatlong kumpanya. Ang Fetch! Naturals na all natural pet care products gawa sa 100% plant Aqueous Extract, ang MyOffice Philippines, ang first Filipino owned and operated virtual office sa bansa para sa mobile workers at Permitly PH, online platform naman sa mga entrepreneurs na gustong magsimula ng negosyo sa Pilipinas.

Sa Fetch! Naturals, napalawak niya ang awareness sa pangangalaga ng hayop at paggamit ng natural alternatives.
Sa MyOffice, aktibo siya sa local start-up community, sumusuporta sa mga bagong negosyante sa pagbibigay ng affordable alternative sa office space at support services.

Layon naman ng Permitly na makatulong sa mga negosyanteng maproseso ang pagsisimula ng negosyo sa bansa.
Bale 28 years old pa lamang ngayon si Gergianna, pero kinilala na siya dahil sa Fetch! Naturals bilang isa sa apat na Filipinos na nakapasok sa Forbes Asia’s “30 Under 30” 2019 list. Kasama ang iba pang listers na sina Melanie Perkins ng Canva, Aisa Mijeno ng Sustainable Alternative Lighting (SALt), at Carlo Delantar ng Waves For Water (W4W), kasama siya sa APEC at ininterbyu pa ni Obama.

Sa interview, nagtaka pa siya kung bakit siya nakabilang sa listers ng Forbes Asia. Aniya, “I sell dog shampoo. That doesn’t make sense! Why would Forbes choose a pet brand?”

Suportado siya palagi ng kanyang pamilya, kaibigan at kaanak kaya lubos ang tiwala niya sa sarili. Ang natatandaan raw niya at may nagtanong sa kanya ng ilang questions, nag-verified ng impormasyon at pagkaraan ng ilang buwan, nakatanggap siya ng an e-mail na nagsasabing kasama siya sa Forbes ’30 Under 30’ sa retail and e-commerce.”

Pero nagsimula lang umano ito sa mismong alagang aso ni Georgianna. Sensitive raw kasi ang balat ng aso niya at laging maraming rashes sinubukan niya ang halos lahat ng pet care products pero walang epekto hanggang isang araw, dinalhan siya ng isang bote ng pet care shampoo ng boyfriend niya galing sa Italy, at gumana ito.

Pero dahil malayo ang Italy, at out of curiosity, tiningnan niya kung ano ang ingredients ng shampoo, at ang active ingredient ay neem. Isa itong tropical tree na matatagpuan sa mga tropical countries kasama na ang Pilipinas. Kaso, walang sapat na research sa Pilipinas tungkol sa neem. Nagkaat lamang ito sa probinsya, pinuputol at ginagawang panggatong.

Dahil dito, humanap siya ng partner na chemist para pag-aralan ang neem, at di naglaon, lumabas nan ga ang Fetch Naturals. Actually, kahit raw para ito sa aso, safe din itong gamitin ng tao kahit pa bata.

Mahalaga kay Georgianna na maipaabot sa lahat na malaking bagay kung ang bawat isa ay kikilos para sap ag-unlad. Dapat daw nating samantalahin sakaling may dumating na pagkakataon, dahil minsan lamang kumatok ang tsansa.
Hindi rind aw tayo dapat matakot na pumalpak kung miinsan dahil nahagi iyon ng pakikipagsapalaran. JVN