GERALD ANDERSON AMINADONG PLAYBOY

hotshotsPINAG-USAPAN ang muling pagkikita nina Kim Chiu at Gerald Anderson sa It`s Showtime kung saan guest co-host si Kim at judge naman sa isang segment ng show si Ge­rald nang araw na ‘yun.

Hindi  nakawala si Kim sa pang-aasar ng mga host ng programa.

“Nakakatuwa lang, kasi wala ako  rito ngayon,  if not for her—to have that kind of dynamics pa rin, you know it`s nice,” pag-amin ni Gerald.

Pagbubulgar din ni Gerald na nagkausap sila ni Kim backstage that day.

“May small talk ng kaunti. We were talking about ‘yung nangyari sa stage,” say ni Gerald.

Naging honest din si Gerald na aminin na dumaan siya sa stage ng pagiging playboy.

Dati kapag naririnig niya ang paratang na isang playboy ay nasasaktan siya,  pero ngayon ay dedma na lang dahil malaki na ang ipinagbago niya sa buhay.

Lahat naman daw ng mga kabataan ay dumadaan sa mga bagay na hindi nila akalain na pagdaraanan nila.

JULIA BARRETTO NAKITA SA ISANG GAY BAR

LAST Saturday night ay nakita sa gay bar si Julia Barretto na hindi kasama ang boyfriend na si Joshua Garcia.

Ang tsika ay matagal na raw gustong magpunta ng gay bar ni Julia pero wala lang itong time dahil sa sunod-sunod na trabaho. Ngayon wala na si-yang teleserye at tapos na ang promo ng kanilang movie ni Gerald Anderson kaya niyaya niya ang kaibigang bading na magpunta ng gay bar.

Ang sinasabing ba­ding na kaibigan ni Julia na niyaya ay si IC Mendoza pero paglilinaw na hindi raw ‘yung gay bar na makikitang nagsasayaw ang mga barako at machong lalaki. Mga bading din daw ang nagpe-perform sa gay bar na pinuntahan nina Julia at IC.

“Long overdue date at O-Bar with my little sis @juliabarrettofinally nadala na rin kita rito,” caption ni IC sa photo nila ni Julia.

Ang O-Bar ay lugar ng mga impersonator na bading at madalas daw ito puntahan ng mga sikat na artista na gustong maaliw, matulala, tumunganga, mabaliw sa mga performer.

Muling nilinaw na hindi raw ‘yun gay bar na mga lalaki ang nagsasayaw ng hubad na suot pa lang paglabas ng stage ay naka-skimpy brief na agad.

Alam ni Julia na bibigyan ng malisya ang pagpunta ng gay bar kaya kaagad na nilinaw ng friend niya na si IC na hindi ‘yun gay bar na mga lalaki ang nagsasayaw on stage.

o0o

Tawag pansin: Dapat siguro matuto na ang mga kalaban ng administrasyon na kung gusto nilang mahalal sa puwesto ay tigilan na ang paninira at paninisi sa gobyerno, lalong-lalo na kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Kaya lahat ng Otso Diretso ay talunan dahil puro paninira at pani­nisi kay Pangulong Duterte ginawa nila sa kanilang kampanya. Kaya ayun talunan lahat.

Isa pa itong artista na nagtataka kung bakit natalo ang dyowa niya sa katatapos na halalan. Una ay kilala ba siya at may nagawa na ba sa bansa para tumakbo sa mataas na posisyon?

Walang nangyaring dayaan dahil marami pa rin talaga ang nagmamahal at naniniwala sa administras­yon ni Pangulong Duterte at bukas na ang isip ng karamihan ng mga Pinoy.

Isa pa sa mga bumabatikos kay Bong Revilla na nanalo sa pagka-Senador. Maraming botante ang naniniwala pa rin kay Bong Revilla kumpara sa mga kandidato ninyo na  ambis­yoso. Puwede naman tumakbo munang Barangay chairman, Konsehal, Congressman, Mayor o Vice Mayor. Hindi ‘yung mas mataas na posisyon kaagad ang tatakbuhin at kapag natalo ay sasabihin dinaya.

Nagdesisyon at nagsalita na ang mas nakararaming Pinoy.

Comments are closed.