Gerald Anderson, binasag ang kotse, pinagnakawan

PINAGNAKAWAN na nga, binasag pa ang kotse ni Kapamilya actor Gerald Anderson.

Natuto na siya ngayong hindi mag-iwan ng mahahalagang gamit sa loob ng kotse matapos niyang maranasang si­rain at nakawan ang kanyang SUV noong January 31, 2022. Hindi lamang mamahaling gamit ang nawala kay Gerald kundi PHP50,000 cash din.

Batay sa CCTV footage, nakaparada ang SUV ni Gerald sa harap ng kanyang gym sa Roces Avenue, Quezon City, nang pumarada ang dalawang motorsiklo at binasag ang car window ng kanyang sasakyan.

Sumuko ang mga suspek sa National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) nitong Valentine’s Day mismo.

Kuwento ng suspek, binuksan niya ang email account ni Gerald sa nakaw na laptop. Na-access ng suspek ang crypto wallet ng aktor at inilipat nito ang PHP50,000 sa kanilang electronic wallet.

Natunton ng NBI Special Action Unit (NBI-SAU) ang dalawang motorksilong ginamit sa pagnanakaw at  kinilalang isang Tondo-based na basag-kotse group.

Naibalik kay Gerald ang branded bag, dalawang relo, gadgets, pero hindi pa ang pera, IDs, at passport. — KNMartin