GERALD SANTOS HINDI MALILIMUTAN ANG PINANGGALINGAN

ISA sa mga maipagkakapuri mo sa Prince of Ballad na si Gerald Santos ay ang pagiging mapagkumbabathe point nito sa kabila ng tinatamasang tagumpay.

“Di ba dapat lamang po na ganoon ang attitude, laging grounded kasi kung wala po ang mga fans ko at mga supporters pati na iyong mga tumulong at patuloy na tumutulong sa career ko, wala po ako”, aniya.

Ayon pa kay Gerald, malaki rin ang pagpapahalaga niya sa magandang ugali ng mga Pinoy na pagtanaw ng utang na loob.

“Lagi po kasing ipinapaalala ng parents ko at ng manager ko na dapat ay hindi lalaki ang ulo at marunong makisama. Dapat daw pong marunong lumingon sa pinangga­lingan at hindi nalulunod sa tagumpay”, paliwanag niya.

Sey pa ni Gerald, kahit nakilala na siya sa international scene, lagi niyang gustong bumalik sa kanyang roots.

“Pinoy po ako at dito po ako ipinanganak. Ayoko pong kalimutan ang mga taong mahalaga sa buhay ko, lalo na iyong mga nagmamahal sa akin na naging malaking bahagi ng patuloy ko pong pag-e-evolve as an artist. Gusto kong maging bahagi sila ng journey ko”, sey niya.

Mula sa kanyang pamamalagi sa ibang bansa sa loob ng humigit-kumulang na dalawang taon dahil sa kanyang Miss Saigon stints kung saan ginampanan niya ang papel ni Thuy, bumalik si Gerald para sa kanyang homecoming concert na ginanap kamakailan sa The Theater at Solaire,

“Handog ko po ang concert na ito sa aking mga kababayan dahil na-miss ko rin po sila,” pakli niya.

Pinabilib niya ang kanyang mga Pinoy fans dahil sa inawit niya ang mga piyesa mula sa Tony award-winning musical.

MARC PINGRIS NAGLARO NANG NAKAYAPAK

MARC PINGRISBUMILIB ang netizens sa kababaang-loob ng basketball star na si Marc Pingris.

Naging viral kasi ang isang video kung saan nakita siyang nakikipaglaro ng basketball sa mga kanto boys sa isang barangay.

Sey ng mga netizens, napaka-down-to-earth daw ni Marc at hindi nalilimutan ang kanyang pinagmulan.

Humanga rin sila, na habang nakikipaglaro ito ay wala itong sapin sa paa. Laki sa hirap din si Marc dahil siya ang naging breadwinner nang pamilya noong iniwan sila ng kanyang French dad na nagtrabaho sa Morocco.

Siya ang nagtaguyod sa kanyang ina at masabing rags-to-riches din ang kanyang buhay dahil pinaghirapan talaga niya kung an-umang tagumpay ang tinatamasa niya ngayon.

Fan si Marc ni Michael Jordan at ito ang naging ins­pirasyon niya sa kanyang sports.

Si Marc ay PBA player ng Magnolia Hotshots. Asawa siya ni Danica Sotto, ang anak nina Vic Sotto at Dina Bonnevie kung saan meron siyang dalawang anak, sina Anielle Micaela at Jean Michel.

Comments are closed.