TRENDING ang ginawang pagpasa ng bola ni Allan Caidic sa kanilang referee na si Fernando Rabina sa isang exhibition game ng Legends sa Lucena, Quezon. Nakaharap ng Legends ang team Jams Ap. Sa third quarter ng laro, hindi inaasahan ni referee Rabina na bibigyan siya ng bola ni Caidic. Hindi naman nagdalawang-isip ang ref at tinanggap ang bola. Sa 3-point area, pasok ang ibinatong bola sa kanya.
Umaatikabong hiyawan at tawanan ang dumagundong sa loob ng Convention Sports Center ng Lucena sa pagiging shooter ng referee. Sa totoo lang, nasa mahigit isang milyon ang viewers ng video na ito kaya naman hindi pinalagpas ng ESPN na maisama sa kanilang top 5 ang eksenang nag-3 point si ref mula sa pasa ni Caidic. Nasa top 2 ito, at ang top 1 nila ay ang ginawang kapalpakan ni JR Smith ng Cleveland. Congrats, Jam Artist Production sa successful na PBA LEGENDS ninyo at Jams Top models 2018.
***
Siguradong hindi tatantanan ng mga magulang ni Jeron Teng ang nangyari sa kanya sa BGC. Nasa St. Luke’s Medical Center pa ang Alaska player sanhi ng natamong saksak sa isang 40-anyos na foreigner na napagtripan sila sa BGC noong Linggo ng madaling araw. Get well kay Jeron. Sana ay maka-recover ka agad upang makatulong sa mother team mo. Sa video na nakita namin, ang lakas ni Jeron, kayang-kaya niya ang kalaban, tingin ko nakatalikod ito nang saksakin.
***
Magsisimula na sa June 12 ang 2nd conference ng MPBL na lalahukan ng 26 teams na kinabibilangan ng El Tigre Mandaluyong, Manila Star, San Juan Knigths, Caloocan Supremos, Bulakan Kuyas, Quezon City Capital, Pampanga Lanterns, Navotas Clucth, Bataan Defenders, Zamboanga Valitine, Marikina, Imus, Bacoor, Cebu, Davao, Rizal, Pasig Pirates, Laguna, Batangas, Valenzuela, Basilan, Pasay City at Makati. Tulad ng sinasabi ko, kahit pa tumaas ang franchise fee ng liga mula sa P600,000 ay umabot na ito sa P0 million pesos, marami pa rin ang sumali. Matira ang matibay.
***
Abangan ninyo ngayong tanghali ang mga mahuhusay na volleyball players na makakasama ng EAT BULAGA sa kanilang bagong contest na Broadway Singer Netizen. Masusubukan si Rex Intal and family and friends, gayundin si Dindin Santiago at friends and family. Mahuhusay ba silang mag-videoke? Kung magaling silang magsipaglaro ng volleyball, panoorin natin kung magaling din silang kumanta. Mamaya na po yan, 12:00 noon.
Comments are closed.