NAHAHARAP sa kasong administratibo ang isang pulis makaraang magwala sa isang vaccination site sa bayan ng Magdiwang sa Romblon.
Ayon kay Police Col. Christopher Abecia, Provincial Director ng Romblon Police, walang kinalaman sa trabaho ang pagwawala ng isang Patrolman Jerick at away magkasintahan ang dahilan kaya ito naburyong noong Hulyo 29.
“Nagwala siya doon kasi magpapabakuna ‘yung girlfriend niya. Parang pinaaalis o pinauuwi niya.
Ngayon, nang ayaw sumama ng babae siyempre, gusto ng babae na mabakunahan na, parang nagwala na ito. Ang report, allegedly, nakainom siya noon,” sabi ng police official.
Napag-alamang mayroon nang unang naisampang kasong administratibo laban sa nasabing pulis dahil naman sa umano’y pambabastos nito sa dating hepe ng kaniyang himpilan.
Bukod sa dalawang administrative case na haharapin ng pulis, haharapin rin nito ang criminal case na alarm and scandal at resisting arrest na naisampa na sa piskalya.
Ani Abecia, malaki ang posibilidad na matanggal ang pulis sa serbisyo subalit pinag-aaralan din na isailalim ang patrolman sa pagsusuri para malaman kung mayroon itong diperensya sa pag-iisip.
575057 767551Your home is valueble for me. Thanks!? This web page is genuinely a walk-via for all with the data you required about this and didn know who to ask. Glimpse correct here, and you l surely uncover it. 458056
385134 23850Maintain websiteing stuff like this I truly am fond of it 398003
545828 243115As I site owner I believe the articles here is rattling superb , thanks for your efforts. 457519