GF NG 1st UK VARIANT CASE POSITIBO SA COVID-19

Mula sa pahina 8
Ito ang kinumpirma ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire, kung saan ipinadala na rin sa Philippine Genome Center (PGC) ang specimen nito para sa genome sequencing.

Ang Genomic sequencing ay proseso upang mabatid ang isang sample mula sa isang pasyenteng nakitaan ng COVID-19 virus at maikumpara ito sa iba pang kaso upang malaman kung positibo ba itong bagong variant ng COVID- 19.

Bukod sa kasintahan ng unang kaso ng UK variant, nagpositibo rin ang nanay nito ngunit, ayon kay Vergeire, nasa less than 30 lamang ang kanyang Cycle Threshold (CT) value na ibig sabihin ay maliit lamang ang tiyansa para magkaroon ito ng variant .

“It is inversely proportional. Kapag mababa naman ang CT value mo, mataas ang viral load mo,” ayon sa health official.

Gayunpaman, ipinadala pa rin ang kanyang specimen sa PGC para sa nasabing sequencing.

Kaugnay nito, nilinaw naman ni Vergeire na mula sa 159 pasahero ng EK 332 ng Emirates flight kung saan sumakay ang magkasintahan, sinabi ni Vergeire na 11 ang lahat ng nagpositibo sa COVID-19 na close contacts ng lalaki na unang kaso ng UK variant.

Aniya, isa rito ay nagpositibo ngunit napag-alaman na dati nang nagkaroon ng COVID-19 kaya maaring nasa stage pa lamang ito ng recovery. PAUL ROLDAN

Comments are closed.