ISUSULONG ni Iloilo Rep. Janet Garin ang isang imbestigasyon sa kontrobersiyal na ghost dialysis na kinasasangkutan ng mga clinic at ng PhilHealth, sa pagbubukas ng 18th Congress.
Sa isang pulong balitaan ay sinabi ni Garin na handa siyang magpatawag ng Congressional inquiry dahil naniniwala ito na matagal nang namamayani ang sindi-kato sa loob ng ahensiya.
Nakikita ni Garin na nagbubulag-bulagan umano maging ang Commission on Audit.
Ibinunyag pa ni Garin na noong siya ang nakaupo bilang kalihim ng
Department of Health (DOH) ay natuklasan niyang maging ang pneumonia, cataract at dengue ay may anomalya rin.
Samantala, hinamon naman ni Danny Mangahas, convenor ng ASK Movement at miyembro ng KAPA Ministry International ang pamunuan ng National
Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) na ituloy ang kasong large scale estafa laban sa kanilang ministeryo.
Sinabi ni Mangahas na walang magrereklamo laban sa mga ahensiya dahilan sa walang naganap na investment scam sa pamunuan ng KAPA. BENEDICT ABAYGAR, JR.