GIANNIS ‘DOUBTFUL’, YOUNG ‘QUESTIONABLE’ SA GAME 6

GIANNIS,YOUNG

MAAARING hindi ulit makapaglaro sa Milwaukee Bucks at  Atlanta Hawks ang kanilang superstars para sa Game 6 ng Eastern Conference finals sa Sabado (Linggo sa Manila).

Si Bucks two-time MVP forward Giannis Antetokounmpo ay nakalista bilang ‘doubtful’ dahil sa kanyang hyperextended left knee, habang si Hawks All-Star guard Trae Young ay ‘questionable’ sanhi ng bone bruise sa kanyang kanang paa.

Natamo ni Antetokounmpo ang kanyang knee injury sa Game 4 at hindi naglaro sa Game 5, na napagwagian ng Milwaukee, 123-112, upang kunin ang 3-2 series lead. Iniulat ng ESPN na bumiyahe si Antetokounmpo kasama ang koponan sa Atlanta bago ang Game 6, nangan-gahulugan na maaari siyang maglaro.

Lumiban si Young sa Games 4 at  5 ng serye makaraang magtamo ng bone bruise sa Game 3 nang aksidente niyang matapakan ang paa ng isang opisyal.

Hindi pa nagbibigay ng karagdagang update si Hawks interim coach Nate McMillan sa status ni  Young at sinabi sa mga  reporter na, “If Trae could play, he would be out there.”

Nakalista naman si Hawks guard/forward Bogdan Bogdanovic bilang probable dahil sa pamamaga ng kanang tuhod.

Maisasaayos ng Bucks ang NBA Finals showdown sa Phoenix Suns sa panalo sa Game 6.

11 thoughts on “GIANNIS ‘DOUBTFUL’, YOUNG ‘QUESTIONABLE’ SA GAME 6”

  1. 318429 373322Hey there, I think your website might be having browser compatibility issues. When I look at your website in Opera, it looks fine but when opening in Internet Explorer, it has some overlapping. I just wanted to give you a quick heads up! Other then that, very good blog! 715034

  2. 743184 97224Hosting a weblog composing facility (in a broad sense) requires unlimited space. So I suggest you to discover such web hosting (internet space provider) that offer flexibility inside your internet space. 457182

Leave a Reply

Your email address will not be published.