GIANNIS, JOKIC NANGUNGUNA SA NBA ALL-STAR VOTING

BUMABANDERA sina Milwaukee Bucks forward Giannis Antetokounmpo at Denver Nuggets center Nikola Jokic sa unang fan voting returns para sa NBA All-Star Game sa susunod na buwan.

Ang fan voting ay bumubuo sa 50% ng balloting upang desisyunan ang starting spots sa All-Star Game, na nakatakda sa February 16 sa San Francisco, habang ang media panel at current NBA players ay tig-25% ng final totals.

Binago ng NBA ang format para sa 2025 matchup kung saan pinalitan ng four-team tournament ang dating two-team system. Ang mga koponan na pinili nina Shaquille O’Neal, Charles Barkley at Kenny Smith ay sasamahan ng Rising Stars Challenge winners, na ginabayan ni Women’s NBA legend Candace Parker.

Si Greek star Antetokounmpo ang nanguna sa overall balloting first report na may 1,710,630 votes upang pangunahan ang Eastern Conference frontcourt talent, sumunod sina Boston’s Jayson Tatum na may 1,385,851 at New York’s Karl-Anthony Towns na may 1,099,966. Nasa malayong fourth si Orlando’s Paolo Banchero sa 484,096.

Pinangunahan ni Charlotte’s LaMelo Ball ang East guards na may 947,444 votes, pumangalawa si Cleveland’s Donovan Mitchell sa 718,084 at pumangatlo si Milwaukee’s Damian Lillard sa 704,914.

Tatlo sa top five overall vote-getters ang nanguna sa balloting para sa Western Conference forwards — Serbian center Jokic sa 1,422,121; Phoenix’s Kevin Durant sa 1,268,799; at LeBron James na may 1,167,661.

Nasa ika-4 na puwesto si Anthony Davis, teammate ni James sa Los Angeles Lakers, na may 999,540, kasunod si French star Victor Wembanyama ng San Antonio sa 928,501.

Sa West guards, nanguna si Oklahoma City’s Shai Gilgeous-Alexander na may 1,053,683, sumunod si Slovenian star Luka Doncic ng Dallas Mavericks sa 870,071.

Pumangatlo si Golden State’s Stephen Curry sa 810,357, kasunod sina Kyrie Irving ng Dallas na may 503,567, at Minnesota’s Anthony Edwards sa 411,749.