PATULOY na nangunguna sina Milwaukee Bucks forward Giannis Antetokounmpo at Denver Nuggets center Nikola Jokic sa all vote-getters sa returns na inilabas noong Huwebes para sa starting spots sa NBA All-Star Game sa susunod na buwan.
Si Greek star Antetokounmpo, ang leading scorer ng liga at two-time NBA Most Valuable Player, ang no. 1 sa Eastern Conference frontcount voting na may 2,721,339 habang bumandera si Jokic sa Western Conference frontcourt na may 2,277,723 votes.
Ang fan voting ay bumubuo sa 50% sa deciding starters para sa February 16 contest sa San Francisco, habang ang media panel at current NBA players ay may tig- 25% ng final totals.
Ang All-Star Game starters ay ihahayag sa January 23.
Binago ng NBA ang format para sa 2025 matchup kung saan pinalitan ng four-team tournament ang dating two-team system. Ang mga koponan na pinili nina Shaquille O’Neal, Charles Barkley at Kenny Smith ay sasamahan ng Rising Stars Challenge winners, na ginabayan ni Women’s NBA legend Candace Parker.
Patuloy na nangunguna si Oklahoma City guard Shai Gilgeous-Alexander sa Western Conference guard na may 1,811,050 votes habang nanatili si Charlotte’s LaMelo Ball sa ibabaw ng Eastern Conference guards na may 1,490,227 votes.
Nasa ikatlong puwesto sa overall voting si Jayson Tatum ng reigning NBA champion Boston Celtics at pangalawa sa East frontcourt sa likod ni Antetokounmpo na may 2,224,086 votes habang pangatlo si New York’s Karl-Anthony Towns sa 1,872,228.
Nasa likuran ni Ball sa East backcourt sina Donovan Mitchell ng NBA overall season leader Cleveland sa 1,181,310 at Milwaukee’s Damian Lillard na mayb1,019,739 votes.
Sa West frontcourt, si three-time NBA MVP Jokic ay sinundan nina Phoenix’s Kevin Durant sa 1,983,680 at four-time MVP LeBron James, ang NBA’s all-time scoring leader, ng Los Angeles Lakers sa1,981,529.
Pang-apat si Victor Wembanyama ng San Antonio Spurs, ang NBA Rookie of the Year noong nakaraang season, na may 1,630,948, kasunod si Lakers star Anthony Davis na may 1,528,262.
Nasa likuran ni Gilgeous-Alexander sa West backcourt voting, si Golden State’s Stephen Curry ay umakyat sa ikalawang puwesto na may 1,369,365 boto, naunahan si Dallas Mavericks star Luka Doncic, na ngayon ay third overall sa 1,344,205.