TUGUEGARAO CITY-Patok ang giant pansit batil patong na ibinida sa Foodie Festival sa SM City Tuguegarao noong Linggo ng gabi.
Takam na takam at nasiyahan ang daan-daan na mga residente sa pagkain ng giant o malahiganteng pansit na sa ikalawang pagkakataon simula noong 2023 ay itinampok at ngayon ay mas malaki ito sa 18-foot radius diameter kumpara noong nakaraang taon na may diameter na 15-ft. lamang.
May bigat itong 250 kilograms sa lutong classic o sinaunang luto ng pansit ng Tuguegarao o ang pansit na ang toppings ay giniling na carabeef, gulay at itlog, sinamahan na rin ito ng karahay (lechon kawali) na inihanda ng isang restawran na palasak ang lutong pansit.
Game rin ang mga nanood sa pag-pose sa higanteng pansit at agad pinoste sa kanilang mga social media accounts.
Pangunahing pagkain ang Pansit Batil Patong sa Cagayan lalo na sa Tuguegarao City at mahigit 500 ang mga restawran na naghahanda nito sa mga parukyano.
VIA HANNAH VISAYA