GIBO UMALMA SA PAMBABALIGTAD NG CHINA

“The statement of China that the grounded Sierra Madre is causing irrevocable harm is to put it as politely as possible–hypocritical.”

Ito ang naging tugon ni Defense Secretary Gilberto Teodoro sa inilabas na statement ng China na Pilipinas pa ang sumisira sa kalikasan dahil sa pananatili ng nakasadsad na BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal na siyang dahilan umano ng pagkasira ng marine environment.

“Talk about the pot calling the kettle black! “ Tahasang idineklara ni Sec. Teodoro na ang China ang patuloy na sumisira sa West Philippine Sea dahil sa kanilang illegal reclamation activities sa South China Sea na napatunayang tahasang paglabag sa international law base sa 2016 Arbitral Award kung saan ang kanilang mga aktibidad ay sumisira sa marine environment.

Mariing pahayag pa ni Gibo Teodoro; “Disingenuous propaganda lines such as this only serve to expose China’s insincerity and will only heighten the mistrust by the Filipino people and the rest of the world of the Chinese government.

Ayon sa kalihim, ang mga walang kabuluhang linya ng propaganda na tulad ng inilabas na pahayag ng China ay nagsisilbi lamang para lalo pang malantad ang kawalang-katapatan ng Tsina at magpapalaki lamang ng kawalan ng tiwala ng sambayanang Pilipino at ng buong mundo sa Pamahalaang Tsino.

Sa inilabas na tugon ni Mao Ning ng China Foreign Ministry hinggil sa plano ng Pilipinas na maghain ng demanda kaugnay sa pagkasira coral reef sa West Philippine ay sinasabi pang ang Pilipinas ang siyang responsable sa pagkawasak ng kalikasan sa South China Sea.

“Walang katotohanan ang mga akusasyon ng Pilipinas. Hinihimok namin ang may-katuturang partido ng Pilipinas na ihinto ang paglikha ng isang political drama mula sa fiction,” ani Mao Ning

Kung tunay umano na nagmamalasakit ang Pilipinas sa ekolohikal na kapaligiran ng South China Sea, dapat nitong hilahin ang ilegal na naka sadsad na barkong pandigma sa Ren’ai Jiao (Ayungin Shoal” sa lalong madaling panahon, pigilan ito sa paglabas ng maruming tubig sa karagatan at huwag hayaan ang kalawang na barkong pandigma ay magdulot ng hindi na mababawing pinsala sa karagatan.

Ang nasabing pahayag ay kaugnay sa plano ng gobyerno ng Pilipinas na magsampa ng reklamo sa International Court laban sa China para sa pinsala sa mga coral reef nito sa South China Sea.
VERLIN RUIZ