BUKOD sa pagdalaw sa puntod ng yumaong aktres na si Susan Roces, ginunita din pamilya Poe ang ika-2 anibersaryo ng pagkamatay ng aktres sa pamamagitan ng gift giving at isang misa.
Kasama ni Senadora Grace Poe ang anak na si Nika at ilang kamag-anak sa pamilya Sonora na dumalo sa isang misa sa Sanctuario De San Jose sa lungsod ng San Juan bago tumungo sa mausoleum sa Manila North Cemetery upang mag-alay ng bulaklak at magsindi ng kandila.
Si Roces ay nakahimlay sa tabi ng kanyang yumaong asawa na si National Artist Fernando Poe Jr.
“Sa dami ng nangyayari sa ating bansa at sa ating personal na buhay, nami-miss mo ‘yung taong nagbibigay ng tatag at pakiramdam na panatag. We recall with great affection Susan Roces’ meaningful life, her legacy to the entertainment industry, and all she meant to many of us,” ani Poe.
Namahagi rin ng foods pack sa 200 pamilya na ninirahan sa sementeryo ang FPJ Panday Bayanihan Foundation sa pamumuno ni Brian Poe Llamanzares na siyang chairman nito.
Ani Poe, ganito nais ng kanyang ina na ipagdiwang ang kanyang kamatayan.
Ang Roces na kilalang Queen of Philippine Movies ay ipinanganak noong Hulyo 28, 1941 bilang Jesusa Purificacion Levy Sonora sa Bacolod, Negros Occidental.
Ang award-winning actress ay nakagawa ng 130 pelikula sa kanyang pitong taong dekada at naghakot at nanalo din siya ng mga major acting awards kasama na ang pagiging best actress.
Ang huli labas sa telebisyo ni Roces ay kinilala siyang bilang si Lola Flora na mahal na mahal ng lahat na kanyang ginampanan sa loob ng anim na taon sa palabas na Ang Probinsyano, isang action series batay sa kilalang pelikula ni FPJ noong 1997.
“Sa isang episode ng Ang Probinsyano, sinabi ni Lola Flora na ang mga pumapanaw nating mahal sa buhay ay nakamasid sa atin sa ating kalungkutan at kasiyahan. Hindi ito siguro para takutin tayo, pero para paalalahanan na laging gumawa ng mabuti sa kapwa gaya ng mga aral na iniwan nya sa pagmamahal, pananalig at katapangan,” dagdag ni Poe .
Lubos din ang pasasalamat ng Senadora sa lahat ng nagmamahal at nagpapakita ng suporta sa kanilang ina. VC