GIFT GIVING PARA SA PULIS, NO NEED – PNP

Bernard Banac

CAMP CRAME – NANAWAGAN ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na hindi na kailangang bigyan ng regalo ang mga pulis na nakagagawa ng mabuti.

Ito ang sinabi ni PNP Spokesperson PBGen. Bernard Banac matapos ang pahayag ng pangulo na maaring tanggapin ng mga pulis ang mga ibinibigay na regalo.

Ayon kay Banac, hindi na dapat regaluhan ang mga pulis kapag may nagagawang mabuti dahil bahagi aniya ito ng kanilang trabaho at nababayaran na sila sa pamamagitan ng kanilang suweldo.

Sa pahayag ni Banac kapag  may natatangap  silang regalo mula sa anonymous  senders lalo na kapag may mga special occasion gaya ng birthdays, anniversaries at Christmas ay iniipon ang mga ito at ipinamimigay sa mga bilanggo, sa mga barangay tanod at mga volunteer.

Giit ni Banac, na mahigpit pa rin ang kanilang pagsunod sa Section 7 ng RA 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang anumang uri ng pagtanggap ng regalo ng mga opisyal ng pamahalaan.

Ipinauubaya naman nila sa wisdom ng Pangulo ang paha­yag nitong maaring tanggapin ng mga pulis ang mga regalong ibinigay sa kanila. REA SARMIENTO