GIGA VACCINATION CENTER BINUKSAN NA SA PUBLIKO

PORMAL ng binuksan sa publiko kahapon umaga ang giga vaccination center sa Mall of Asia (MOA) para sa pagsisimula ng simulation sa aktuwal na pro­seso ng pagbabakuna sa may 500 senior citizens na nanggaling pa sa iba’t-ibang barangay sa lungsod.

Pinangunahan ni Pasay City Mayor Emi-Calixto-Rubiano ang ribbon-cutting sa pagsisimula ng naturang simulation kasama ang mga panauhin na dumalo sa okasyon na sina Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III, Presidential Spokesperson at ‘Big Brother’ ng lungsod na si Harry Roque, Inter-Agency Task Force (IATF) Chief Implementer Carlito Galvez, Jr. at Metro Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia.

Ang giga vaccination center ay proyekto ng lokal na pamahalaan ng Pasay kaakibat ang SM Group of Companies na nagpahiram ng Galleon Museum na matatag­puan sa SM Mall of Asia (MOA) para sa pagsasagawa ng pagbabakuna laban sa COVID-19.

Nabatid na kayang tumanggap ng 2,000 indibidwal na magpapabakuna kada araw o hanggang 50,000 sa isang buwan.

Matapos ang ribbon-cutting, agad na sinimulan ang inisyal ng pagbabakuna sa mga senior citizen kung saan masuwerteng napili ang isa sa mga nagtungo sa lugar na si Dolly Superable, 68-anyos na nagulat sa biglaang pangyayari dahil mismong si Duque ang nagturok sa kanya ng bakuna. MARIVIC FERNANDEZ

10 thoughts on “GIGA VACCINATION CENTER BINUKSAN NA SA PUBLIKO”

  1. 13762 543994I discovered your weblog website web site on google and appearance some of your early posts. Preserve up the excellent operate. I just extra increase Feed to my MSN News Reader. Looking for toward reading far a lot more by you later on! 41791

  2. 260340 225724Normally the New york Weight Loss diet is certainly less expensive and flexible staying on your diet scheme intended for measures even so fast then duty maintain a nutritious daily life. weight loss 530266

Comments are closed.