IGINIIT ng Estados Unidos na walang karapatang ariin ng China ang mga lugar na tinukoy ng International Court of Arbitration na bahagi ng Philippine Exclusive Economic Zone (EEZ) at Continental Shelf.
Ito’y makaraang muntik nang magkagitgitan ang barko ng Philippine at Chinese Coast Guard sa pinag-aagawang Scarborough o Panatag Shoal, na bahagi ng West Philippine Sea (WPS).
Binigyang diin ni US Department of State Counselor Derek Chollet ang kahalagahan ng pagpapatuloy ng ugnayan at palitan ng impormasyon ng Pilipinas at Amerika bilang tugon sa panggigipit ng Tsina sa
Pilipinas at iba pang claimants ng naturang karagatan.
Kinikilala aniya ng US ang soberanya ng Pilipinas sa Panatag o Bajo De Masinloc sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea.
Bumisita ang nasabing US official sa Pilipinas bilang commitment ng Amerika sa obligasyon nito sa Philippine-US Mutual Defense Treaty.