HINIKAYAT ni Pope Francis ang mga lider ng Singapore na dapat magkaroon ng tamang pasahod sa mga dayuhang manggagawa sa nasabing bansa.
Giit ng 87-anyos na Santo Papa na ang nasabing mga manggagawa ay may malaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng Singapore.
Dapat aniya ay mabigyan ng espesyal na atensyon ang mga mahihirap at may edad na.
Mahalaga rin na mabigyan ng proteksyon ang mga dignidad ng migrant workers.
Nakipagpulong ito sa mahigit na 1,000 na pulitiko at civil at religious leaders.
Mayroong mahigit 1.1 milyon na foreign workers sa Singapore, halos 290,000 sa mga ito ay domestic workers at mahigit 441,000 na manggagawa sa construction at barko.
Karamihan sa mga ito ay galing sa kalapit na bansa na Malaysia, China, Bangladesh, India at maging sa Pilipinas.
MA. LUISA GARCIA