GILAS 3X3 SISIMULAN NA ANG REDEMPTION BID

PHNOM PENH. – Sisimulan ng Gilas Pilipinas 3×3 teams ang kanilang redemption bid sa 32nd Southeast Asian Games ngayong Sabado sa Morodok Tecno National Stadium Elephant Hall 2.

Ang men’s team ay mapapalaban sa Laos, Vietnam, at Indonesia sa alas-10:20 ng umaga (11:20 a.m. Manila time), ala- 1:40ng hapon (2:40 p.m. Manila time), at alas- 5 ng hapon (6 p.m. Manila time), ayon sa pagkakasunod-sunod, sa Pool A.

Makakasagupa naman ng women’s team ang Vietnam, Laos, at Thailand sa alas-9:20 ng umaga (10:20 a.m. Manila time), alas-12 ng tanghali (1 p.m.Manila time), at alas-3:40 ng hapon (4:40p.m.Manila time).

Ang top two teams sa dalawang grupo ay uusad sa semifinals sa Linggo para sa karapatang maglaro para sa gold medal sa parehong araw.

Determinado ang Gilas Men at Women na mabawi ang gold sa 3×3 play na kanilang winalis sa 2019 games sa Manila. Ang men‘s team ay nagkasya sa bronze habang ang women’s team ay walang naiuwing medalya sa Hanoi noong nakaraang taon.

Ang men’s team ay binubuo nina Almond Vosotros, Lervin Flores, Joseph Eriobu, at Joseph Sedurifa habang ang women’s squad ay kinabibilangan nina Jack Animam, Afril Bernardino, Janine Pontejos, at Mikka Cacho.

“The last three days of practice have been excellent,” sabi ni men’s 3×3 coach Lester Del Rosario matapos ang ensayo nitong Biyernes sa Elephant Hall 2. “You can see in their faces that they are ready.”

SinacVosotros at Flores ay miyembro ng TNT Tropang Giga team na nagwagi ng PBA 3×3 grand slam sa katatapos na season.

“They are all winners. We have shooters and defense,” ani Del Rosario.

Aminado naman si women’s coach Pat Aquino na magiging mahirap ang daan sa gold medal.

“It’s going to be tough,” ani Aquino. “We are going to play our best. I told the girls to just try your best. We don’t have to worry who we are facing. We have to think about what we can do better.”

CLYDE MARIANO