TINAMBAKAN ng Gilas Pilipinas ang Indonesia, 76-51, sa FIBA Asia Cup qualifiers sa Angeles University Foundation Sports and Cultural Center sa Pampanga kagabi.
Tumipa sina Ange Kouame at Justine Baltazar ng tig-11 points para pangunahan ang nationals. Kumalawit din si Baltazar ng 9 rebounds sa laro.
Nagtala naman si Dwight Ramos ng double-double na may 10 points at 12 rebounds.
Ito ang ikalawang sunod na panalo ng mga Pinoy matapos ang dramatikong 81-78 win kontra South Korea noong Miyerkoles.
Kinapos lamang ang Gilas ng limang puntos para maduplika ang 30-point blowout nito sa Indonesia sa kanilang unang paghaharap noong February 2020.
Nanatili ang Filipinas, pasok na sa FIBA Asia Cup bago ang laro kontra Indonesia, sa ibabaw ng Group A standings na may 5-0 record. May nalalabi itong isang laro, rematch kontra Korea sa Linggo.
Nasa ikalawang puwesto ang Koreans na may 3-1, kasunod ang Indonesia (1-4) at Thailand (0-4).
307515 692114great post. Neer knew this, thankyou for letting me know. 858857
924603 348292This will be an excellent website, may you be interested in doing an interview about how you developed it? If so e-mail me! 84720