GILAS BINOMBA ANG SAUDI

NAGPASIKLAB si Jordan Clarkson sa harap ng jam-packed crowd sa Mall of Asia Arena at pinangunahan ang Gilas Pilipinas sa 84-46 panalo laban sa Saudi Arabia sa FIBA World Cup Asian Qualifiers kagabi.

Ipinamalas ang kanyang porma na nagbigay sa kanya ng NBA Sixth Man of the Year Award, ang Utah Jazz standout ay humataw ng 23 points, 6 assists, at 5 rebounds para sa Pilipinas na umangat ang Asian Qualifiers record sa 3-3.

Ang hosts ay naghabol sa 11-14 matapos ang maiden period bago nakipagtuwang si Clarkson kay Dwight Ramos sa second quarter upang tulungan ang Gilas Pilipinas na kunin ang double-digit lead bago naitarak ang 37-28 lead sa halftime.

Sumakay sa momentum na itinayo ni Clarkson, giniba ng Gilas ang visitors, 24-8, sa third quarter at hindi na lumingon pa tungo sa 38-point rout.

Nag-ambag si Kai Sotto ng 16 points, 13 rebounds at 4 blocks, habang kumubra si Ramos ng 9 points at 6 rebounds para sa Pilipinas na nakabawi mula sa heartbreaking 85-81 loss sa Lebanon noong Huwebes.

Nahulog ang Saudi Arabia sa 1-5.

Iskor:
Philippines (84) – Clarkson 23, Sotto 16, Ramos 9, Aguilar 8, K. Ravena 8, Parks 6, Oftana 6, T. Ravena 4, Thompson 2, Malonzo 2, Newsome 0, Adams 0.
Saudi Arabia (46) – Abdel Gabar 9, Kadi 9, Ma. Almarwani 9, Mo. Almarwani 8, Almuwallad 4, Belal 3, Mohammed 2, Abo Jalas 2, Alsager 0, Albargawi 0.
Quarters: 14-11, 37-28, 61-36, 84-46.