Laro sa Linggo:
(Morodok Techo Elephant Hall 2) 11 a.m. local time / 12 p.mm Manila time – Philippines vs. Thailand (women)
PHNOM PENH. – Tinambakan ng Gilas Pilipinas ang Singapore, 105-45, at kinuha ang isang semifinals berth sa 32nd Southeast Asian Games basketball tournament kahapon sa Morodok Techo Elephant Hall 2 dito.
Nagbuhos si Marcio Lassiter ng 16 points sa 4-of-7 shooting mula sa tres at tinapos ng Gilas ang elimination round na may 2-1 win-loss record sa Group A habang bumawi mula sa 68-79 pagkatalo sa Cambodia noong nakaraang Huwebes.
Kumubra si CJ Perez ng 13 points at 11 rebounds, habang nagdagdag si Justin Brownlee ng 12 points, 6 rebounds, 8 assists, at 2 steals sa 60-point win.
Susunod na makakaharap ng Gilas ang top team sa Group B — Indonesia o Thai- land. Ang dalawang koponan ay may 2-0 win-loss records bago ang kanilang laro sa Linggo sa Elephant Hall 2.
“This is basically our final practice for the semifinal game,” sabi ni national coach Chot Reyes. “We can’t really go hard in practice. This was our preparatory practice. We wanted to already hurdle some of the things that we might need against whoever our opponent is.”
Kumarera ang Nationals sa 29-5 kalamangan sa pagtatapos ng first quarter, at lumamang ng hanggang 63 points.
Sa women’s side, dinurog ng Pilipinas ang Vietnam, 116-58, para sa kanilang ikat- long panalo sa apat na laro.
Tumipa si Khate Castillo ng 22 points sa 7-of-12 shooting mula sa tres kung saan na-outscore ng Gilas ang Vietnam, 33-9, sa second period.
Ang panalo ay nagpalakas sa kampanya ng Gilas Women para sa podium finish kasunod ng kanilang 68-89 defeat sa mga kamay ng Indonesia noong nakaraang Biyernes.
Ang Gilas ay nasa ikatlong puwesto na may 3-1 record, dalawang laro ang angat sa Vietnam at Thailand, ang kanilang makakalaban sa Linggo.
-CLYDE MARIANO