SISIMULAN na ng Gilas Pilipinas 3×3 men’s team ang kanilang misyon na makasambot ng puwesto sa Tokyo Olympics sa pag-alis patungong Graz, Austria kagabi para sa Olympic Qualification Tournament.
Ang tropa ni coach Ronnie Magsanoc ay lumabas ng camp sa Inspire Sports Academy noong Sabado ng hapon upang maghanda para sa kanilang pag-alis para sa May 26-30 event.
Sa huling pagkakataon ay nag-ensayo sina regular members CJ Perez at Mo Tautuaa ng San Miguel, Joshua Munzon ng Terrafirma, at Alvin Pasaol ng Meralco, kasama sina reserves Karl Dehesa at Rain or Shine’s Leonard Santillan sa kanilang bubble training camp sa Calamba, Laguna umaga ng Sabado para kinisin ang lahat sa kanilang kampanya na maging unang Philippine basketball team na nag-qualify sa Olympics magmula noong 1972.
Ang 3×3 basketball ay lalaruin sa unang pagkakataon sa Tokyo ngayong taon.
Gayunman ay hindi magiging madali ang laban para sa mga Pinoy.
Ang Gilas Pilipinas ay nasa Pool C at agad na masusubukan sa opener sa Mayo 26 kung saan mapa-palaban ito sa world No. 4 Slovenia na pinangungunahan ni Simon Finzgar, isa sa top 3×3 players sa mundo, at sa No. 10 France.
May isang araw na pahinga ang mga Pinoy bago tapusin ang kanilang kampanya sa Mayo 28 kontra No. 26 Qatar at No. 33 Dominican Republic.
Ang Filipinas ay kasalukuyang nasa No. 20.
Kailangan nilang manalo ng kahit dalawa sa apat na laro para makaabante sa knockout quarterfinals. CLYDE MARIANO
685481 576947Yeah bookmaking this wasnt a risky determination outstanding post! . 773368
389048 200312Intriguing post. Positive that Ill come back here. Very good function. 270225