NALASAP ng Gilas Pilipinas ang 60-106 pagkatalo kontra New Zealand sa kanilang unang laro sa 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers kahapon sa Auckland, New Zealand.
Sumandal ang Tall Blacks sa mainit na first half, kung saan binomba nila ang national team at nilimitahan ang mga ito sa walong puntos lamang laban sa kanilang 24-point rampage para tapusin ang half sa 47-21. Naghabol ang Gilas sa 23-13 sa opening frame.
Matapos ang nakadidismayang first half, bumawi ang mga Pinoy sa third quarter, kung saan kumamada ang Gilas ng 22 points, ngunit tangan pa rin ng New Zealand ang 73-43 bentahe sa payoff period.
Gayunman ay patuloy na kinontrol ng Tall Blacks ang laro tungo sa ika-4 na panalo sa torneo.
Sa naunang window ng qualifiers ay tinalo rin ng New Zealand ang Gilas, 88-63.
Nahulog ang Gilas sa 1-2 kartada.
Sa kanilang pagbabalik sa bansa ay makakasagupa nila ang India sa Linggo ng gabi sa Mall of Asia Arena.