GILAS GUEST TEAM SA PHILIPPINE CUP

Willie Marcial

KUNG magbubukas ang PBA Season 46 sa huling bahagi ng Mayo o sa kaagahan ng Hunyo, magiging tampok ang youth-laden Gilas Pilipinas sa Philippine Cup, kung saan maglalaro ito ng walo hanggang 10 games.

“Gusto nga sana namin regular (competitor) na puwedeng mag-champion,” wika ni PBA commissioner Willie Marcial patungkol sa pagnanais ng liga na matulungan ang Nationals sa paghahanda nito para sa FIBA Asia Cup qualifiers at sa Olympic qualifying tournament.

“Pero siyempre, depende rin sa practices nila at overall program (which might include) training abroad,” sabi pa ni Marcial sa  PSA online forum noong Martes.

Kung sakali, ang PBA ay magdaraos ng triple-headers, kung saan ang Gilas ang itatampok sa  curtain-raisers sa tune-ups laban sa PBA ball clubs.

“Ganoob pa rin ang schedule – Wednesdays, Fridays, Saturdays and Sundays. Triple-headers ‘pag may laro ang Gilas,” ani Marcial sa kanilang target na May o June kickoff ng Philippine Cup na inaasahan nilang papayagan ng pamahalaan.

Si Marcial, kasama si Barangay Ginebra governor Alfrancis Chua, ay nakatakdang makipagpulong kahapon kina Executive Secretary Salvador Me-dialdea at  Sen. Bong Go sa Malacanang.

Ang PBA-backed Gilas pool ay nagbalik na sa training sa isang bubble set-up sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

Kabilang sa pool na naghahanda para sa Asia Cup qualifiers sa Hunyo 16-20 sa Clark at sa kasunod na OQT sa Serbia pagkalipas ng siyam na araw sina Isaac Go, Rey Suerte, Mike and Matt Nieto, Jordan Heading, William Navarro, Tzaddy Rangel at Jaydee Tungcab, draftees sa PBA Gilas special drafts.

Ang PBA ay may mga nakalinyang torneo na tatampukan ng national team bilang guest squad. CLYDE MARIANO

12 thoughts on “GILAS GUEST TEAM SA PHILIPPINE CUP”

  1. 100984 616389Outstanding read, I recently passed this onto a colleague who has been performing slightly research on that. And the man actually bought me lunch because I came across it for him smile So allow me to rephrase that: Appreciate your lunch! 22662

  2. 99713 779007Right after study some of the weblog articles for your website now, and that i truly like your method of blogging. I bookmarked it to my bookmark website list and are checking back soon. Pls consider my internet website too and inform me what you consider. 441465

Comments are closed.