SA pag-ukit ng kasaysayan sa nakalipas na Asian Games sa Hangzhou, China, ang Gilas Pilipinas ay bibigyang pugay sa PBA Press Corps Awards Night sa Lunes (Nov. 20) sa Novotel Manila Araneta City.
Si coach Tim Cone at ang kanyang tropa ay gagawaran ng President’s Award ng mga sports writer na nagko-cover sa PBA beat kasunod ng kanilang epic conquest sa men’s basketball gold sa 19th edition ng Asiad na ginanap sa Hangzhou, China.
Kasama ang Golden Gilas, si Magnolia guard Jio Jalalon ay papagitna rin sa event na itinataguyod ng ArenaPlus bilang Defensive Player of the Year.
Si Jalalon, 31, ay naunang pinangalanan na bahagi ng Season 47’s All-Defensive Team (June Mar Fajardo, Christian Standhardinger, Cliff Hodge, at Chris Newsome), kung saan ito na ang ikatlong pagkakataon sa kanyang career na nakasama siya sa elite group.
Bilang top choice para sa President’s Award, sasamahan ng Gilas Pilipinas ang PBA Board of Governors at si dating MVP at Bulakan, Bulacan Mayor Vergel Meneses bilang kabilang sa ilang kinilala para sa parangal.
Nalampasan ng national team ang expectations ng isang basketball-loving nation nang mabawi nito ang basketball supremacy sa Asia sa pagwawagi ng gold sa unang pagkakataon sa loob ng 61 taon.
May halos dalawang linggong paghahanda bilang isang kumpletong koponan, tinampukan ng Gilas ang kampanya nito sa likod ng come-from-behind win kontra host China sa semifinals, 77-76, at pagkatapos ay gumanti sa elimination round tormentor Jordan sa gold medal play, 70-60.
Samantala, nanguna si Jalalon sa steals noong nakaraang season, na may average na 2.1 sa 49 games na nilaro.
Pangatlo rin siya sa assists na may 5.8 per game, at may average na 11.1 points at 5.3 rebounds.
Sa taas na 5-foot-9, si Jalalon ang pinakamaliit na recipient ng award na ang mga dating nagwagi ay kinabibilangan nina Chris Ross, June Mar Fajardo, Jean Marc Pingris, Poy Erram, Freddie Abuda, Chris Jackson, Jerry Codinera, Marlou Aquino, at Wynne Arboleda.