GILAS KINAPOS SA FINLAND

gilas

SA kabila na naglalaro na buo ang lineup, nalasap ng Gilas Pilipinas ang ikalawang sunod na kabiguan sa tuneup game sa kanilang European training camp, sa pagkakataong ito ay kontra Finland, 89-85, noong Miyerkoles ng gabi sa Tallinn, Estonia.

Naglaro na rin sa wakas si Scottie Thompson kasunod ng pakikipaglaban sa back spasm at wala na ring iniindang cramps si naturalized player Justin Brownlee kung saan tinulungan ng dalawa ang Gilas na manatiling nakadikit sa kalaban sa malaking bahagi ng laro.

Subalit nanalasa ang Finnish mula sa arc na may 13 three-pointers at dinomina ang boards na may 55 rebounds na naging tuntungan ng kanilang panalo.

Ang Gilas ay unang yumuko sa Estonia, 81-71, sa pagsisimula ng kanilang tuneup matches.

Muling nanguna para sa koponan si Dwight Ramos na may 15 points, nagdagdag si Brownlee, nabigong tapusin ang Estonia game dahil sa cramps, ng 11, habang nagbuhos si Thompson ng 10, kabilang ang isang three-pointer na naglagay sa final score.

Nagbida si Miro Little para sa Finland na may 19, kabilang ang layup na nagselyo sa panalo ng Wolf Pack, 87-79, may 23 segundo ang nalalabi, habang tumapos si Jacob Grandison na may double-double na 18 points at 12 rebounds.

Iskor:
Finland (89) – Little 19, Grandison 18, Blomgren 10, Tumba 8, Nyman 8, Luukkonen 6, Tainamo 5, Vaara 4, Nikkarinen 4, Mantynen 2, Murphy 2, Tahvanainen 0.

Philippines (85) – Ramos 15, Brownlee 11, Thompson 10, Fajardo 10, Perez 8, Abando 8, T. Ravena 8, Aguilar 6, Malonzo 5, Newsome 4, K. Ravena 0, Erram 0.

QS: 26-11; 51-42; 69-59; 89-85.