GILAS KINAPOS SA SERBIA

gilas vs serbia

MATIKAS na nakihamok ang mga Pinoy kontra powerhouse Serbia subalit nalasap ang 76-83 pagkatalo sa pagsisimula ng kanilang kampanya sa FIBA Olympic Qualifying Tournament (OQT) sa Belgrade, Serbia kahapon ng umaga.

Nanguna si naturalized player Angelo Kouame para sa Gilas Pilipinas na may 17 points, 7 rebounds at 3 blocks, habang nagdagdag si Jordan Heading ng 13 markers, tampok ang apat na  three-point shots.

Tumapos sina Justine Baltazar at Kai Sotto na may tig-10 points.

Tinambakan ang mga Pinoy ng 11 points, 45-34, sa break.

Subalit nag-init ang Gilas sa second half upang magbanta sa world No. 5.

Isinalpak ng 6-foot-10 na si Kouame ang anim na sunod na puntos sa  third quarter upang sindihan ang rally ng mga Pinoy.

Tinapyas ng Gilas ang 14-point deficit sa lima, 65-60, matapos ang 13-4 run, tampok ang  three-pointer ni Heading.

Sinimulan ng dalawang koponan ang fourth quarter na abante ang Serbia sa 67-62.

May ilang pagkakataon ang Gilas na kunin ang kalamangan ngunit hindi pumasok ang kanilang mga tira nang kailanganin nila ito.

Nanguna si Boban Marjanovic para sa Serbia na may 25 points at 10 boards.

Susunod na makakasagupa ng Gilas ang Dominican Republic ngayong araw. Ang mananalo sa laro ay makakaharap ng mananaig sa Italy-Puerto Rico match sa knockout semifinals clash.

Iskor:

Serbia (83) – Marjanovic 25, Dobric 16, Teodosic 13, Andjusic, Petrusev 8, Davidovac 5, Jovic 2, Milosavljevic 2, Avramovic 0.

Gilas Pilipinas (76) – Kouame 17, Heading 13, Baltazar 10, Sotto 10, Abarrientos 9, Tamayo 5, Go 4, Navarro 4, Belangel 2, Nieto 2.

QS: 22-16, 45-34, 67-62, 83-76.

5 thoughts on “GILAS KINAPOS SA SERBIA”

  1. 991014 265209Im not that significantly of a internet reader to be honest but your web sites truly good, keep it up! Ill go ahead and bookmark your internet site to come back later. All of the greatest 494125

Comments are closed.