GILAS LAGLAG NA SA KING ABDULLAH CUP

jordan vs gilas

ITINAPON ng Jordan A ang Gilas Pilipinas sa consolation round ng King Abdullah Cup nang muling gapiin ang mga Pinoy, 84-74, sa kanilang semifinal showdown sa Prince Hamza Hall sa Amman Linggo ng umaga.

Ang Gilas ay unang yumuko sa  Jordan, 84-72, sa pagtatapos ng preliminary round.

Makakasagupa ng Jordan ang Egypt sa winner-take-all championship.

Makakaharap naman ng Gilas para sa third ang Tunisia, na naungusan nila sa overtime, 74-73.

Muling sumablay ang outside shooting ng national team kung saan nakapagpasok lamang ito ng 25 percent ng kanilang attempts sa 7-of-28 shooting.

Naghabol ang mga Pinoy sa 26-11 sa huling bahagi ng first period kung saan nakontrol ng Jordan ang buong laro.

Nalamangan ang Gilas ng hanggang 15 points at nakalapit lamang sa 72-68 sa basket ni Ange Kouame, may apat na minuto ang nalalabi.

Subalit bumanat ang Jordan ng 7-2 run sa likod nina  Cameron Forte, Sami Bzai, at Ahmad Al Dwairi upang palobohin ang bentahe sa 79-70 sa huling dalawang minuto.

Tanging si Kouame ang tumapos sa double figures para sa Gilas na may 20 points at nagdagdag ng 6 rebounds para makabawi sa masamang shooting laban sa parehong koponan sa unang nilang paghaharap.

Kumana si special Gilas draftee for 2020 Jordan Heading ng 3-of-7 mula sa 3-point range na may 9 points, habang nagdagdag sina Thirdy Ravena at Dave Ildefonso ng tig-8 points.

Pinangunahan naman nina Al Dwairi at Forte ang  host team na may tig-19 points.

6 thoughts on “GILAS LAGLAG NA SA KING ABDULLAH CUP”

  1. 615914 662049There is noticeably a bundle to learn about this. I assume you produced specific good points in functions also. 969832

Comments are closed.