GILAS PILIPINAS NANATILI SA NO. 31 SA WORLD RANKINGS

Gilas Pilipinas

NAPANATILI ng Pilipinas ang ika-31 puwesto nito sa FIBA World rankings na inilabas matapos ang Tokyo Olympics.

Sa pinakabagong rankings, ang Gilas Pilipinas ay nanatili bilang sixth best basketball team sa Asia-Pacific kung saan ang Australia ang nangunguna sa rehiyon sa No. 3 sa mundo.

Hindi gumalaw ang bansa mula sa dati nitong puwesto na may 322.8 points, tampok ang matagumpay na kampanya sa 2021 FIBA Asia Cup qualifiers.

Pinangunahan ng mga young gun tulad nina Ange Kouame at Dwight Ramos, ang Gilas ay nakakuha ng puwesto sa regional basketball tourney makaraang gapiin ang  South Korea ng dalawang beses at ang Indonesia.

Kinatawan din ng Gilas ang bansa sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Belgrade kung saan natalo sila sa Serbia at Dominican Republic.

Ang United States pa rin ang nasa ibabaw ng leaderboard kasunod ang Spain at Australia, na kinuha ang  bronze sa Tokyo kontra Slovenian squad.

Ang iba pa sa top 10 best teams sa mundo ay ang Serbia, Argentina, Italy, Lithuania, at Greece.

3 thoughts on “GILAS PILIPINAS NANATILI SA NO. 31 SA WORLD RANKINGS”

Comments are closed.