SINAMAHAN ni Kiefer Ravena ang PBA rookie draft selection na bahagi ng first batch ng Gilas Pilipinas pool na magsasanay sa month-long bubble sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.
Ang NLEX star ay umalis kahapon para sa bubble training, kung saan ang iba pang pro players na ipinakiusap ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) mula sa liga ay inaasahang makakasama ng iba pa sa pool members sa mga darating na araw.
Apat na rookie draft selection mula sa 2019 batch ang kasama ni Ravena sa bubble — Isaac Go, Matt Nieto, Mike Nieto, at Rey Suerte.
Hindi nakasama si Allyn Bulanadi sa listahan makaraang sumailalim sa shoulder surgery kamakailan lamang.
Sa kabila nito ay muling nagpasalamat si SBP President Al Panlilio sa walang sawang pagsuporta ng liga sa national team, na naghahanda para sa third at final window ng FIBA Asia Cup qualifiers.
“As always, we appreciate the unwavering support of PBA Commissioner Willie Marcial and the PBA Board to the Gilas program,” sabi ni Panlilio, na kinakatawan din ang Meralco sa league Board.
“We had very good discussions with the PBA and we were able to get the commitment of several PBA players who will be part of the second batch coming into the bubble training on January 22nd.”
Si Ravena ay nakapaglaro para sa Gilas sa second window ng qualifiers na idinaos sa Manama bubble sa Bahrain makaraang maagang masibak ang NLEX sa Philippine Cup.
Comments are closed.