GILAS SA PSA FORUM

gilas

TAMPOK ang Gilas Pilipinas team na sasabak sa FIBA World Cup at ang iba pa na may kinalaman sa basketball sa session ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayon sa Amelie Hotel-Manila.

Tatalakayin nina coach Yeng Guiao, team captain Gabe Norwood, at  newly-reinstated Kiefer Ravena ang mabigat na kampanya ng national team sa world meet na opisyal na magsisimula sa Biyernes sa China.

Sasamahan nina team manager Gabby Cui at liaison officer Yvette Ruiz ang koponan sa session na itinataguyod ng San Miguel Corp., Braska Restaurant, Amelie Hotel at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Magiging panauhin din sa forum ang mga opisyal ng MILO at si Gilas Pilipinas girls team member Ella Fajardo,  na tatalakayin ang bronze medal feat ng mga Pinay sa katatapos na FIBA 3×3 U-18 Asia Cup sa Cyberjaya, Malaysia.

Si Fajardo, graduate ng BEST Center, ay sasamahan nina MILO Sports Executives Lester Castillo at Luigi Pumaren, at BEST Center founder at chairman Nic Jorge.

Inimbitahan din si Gilas Pilipinas girls team coach Patrick Aquino sa 10 a.m. session.

Hinihikayat ang mga miyembro ng PSA na dumalo sa session.

Comments are closed.