NAGING bayani ng Gilas Pilipinas si SJ Belangel nang gulantangin nito ang South Korea, 81-78, para sa ika-4 na sunod na panalo sa qualifiers ng 2021 Fiba Asia Cup Miyerkoles ng gabi sa Angeles University Gym sa Clark, Pampanga.
Isinalpak ni Belangel ang isang buzzer-beater 3- pointer mula sa right wing upang ibigay sa mga Pinoy ang kanilang unang panalo kontra South Koreans magmula noong 2013.
Matamis ang panalo para sa Filipinas na binura ang 17-point deficit bago iginupo ang South Koreans at kunin ang isang ticket sa FIBA Asia Cup sa Indonesia.
Kumamada si Belangel ng 5-of-9 mula sa field, kabilang ang buzzer-beating triple, upang tumapos na may 13 points.
Nanguna si Dwight Ramos para sa Gilas na may 16 points, habang nag-ambag sina twin towers Ange Kouame at Kai Sotto ng 12 at 11 points, ayon sa pagkakasunod.
Nagbida naman si RA Guna para sa South Korea na may 24 points at 15 rebounds, habang nagdagdag si Lee JungHyun ng 15 markers.
Susunod na makakasagupa ng Gilas ang Indonesia, na pangungunahan ni dating PBA import Lester Prosper.
Ang Filipinas ay nasa Group A ng kompetisyon, kasama ang South Korea, Indonesia at Thailand.
Iskor:
Gilas (81) – Ramos 16, Belangel 13, Kouame 12, Sotto 11, Tamayo 10, Abarrientos 6, Baltazar 6, Go 4, Nieto 3, Navarro 0, Tungcab 0.
South Korea (78) – Ra 24, Lee HJ 15, Jeon 9, Lee SH 9, Kang 7, Moon 6, Yang 4, Kim 2, Lee DS 2, Byeon 0.
QS: 12-21, 36-44, 56-57, 81-78.
744492 311619Howdy! Do you know if they make any plugins to safeguard against hackers? Im kinda paranoid about losing everything Ive worked hard on. Any recommendations? 500215
524820 137950Dude.. My group is not considerably into seeking at, but somehow I acquired to read several articles on your weblog. Its fantastic how intriguing its for me to go to you fairly often. 496054