GILAS SISIMULAN NA ANG ASIAD CAMPAIGN VS BAHRAIN

HANGZHOU – Simula na ang pakikidigma ng Gilas Pilipinas sa 19th Asian Games.

Makakasagupa ng all-pro unit ni coach Tim Cone ang Bahrain side na inilarawan niya na isang hamon laban sa isang koponan na naharap sa matinding pagsubok sa nakalipas na dalawang linggo bago ang continental showpiece.

“I think they are going to be a challenge out there,” pahayag ni Cone patungkol sa Bahrain.

Nakatakda ang laro sa ala-1:30 ng hapon sa Zijingang University sa loob ng Zhejiang University.

Nakahanda ang national team sa kabila na wala pang desisyon ang Hangzhou Asian Games Organizing Committee (HAGOC) hinggil sa paglalaro nina Kevin Alas, Marcio Lassiter, Chris Ross, Mo Tautuaa, at CJ Perez sa koponan.

Ang Gilas ay nagsagawa ng film viewing noong Lunes at pagkatapos ay nag-ensayo sa Dongzan Arena Olympic Sports Shop sa ikalawang sunod na pagkakataon magmula nang dumating dito noong Linggo.

Ang Bahrain, kasama ng Philippines, Thailand, at Jordan sa Group C, ay galing sa mainit na kampanya sa FIBA Olympic Pre-Qualifying Tournament sa Damascus, Syria noong nakaraang buwan kung saan hindi ito natalo sa limang laro.

Bilang kampeon ng meet, ang Bahrain ang unang bansa na nakakuha ng puwesto sa Qualifying Tournament para sa 2024 Paris Olympics.

Pangungunahan ni PBA import Dwayne Chism ang kampanya ng Bahrain, kasama sina Mustafa Rashed at Muzamil Ameer Hamooda.

“They are going to pose some problems because they shoot the ball really well. They put a lot of pressure out there.

They are not a big team which is unusual for a Middle East team,” wika ng Gilas mentor.

“Usually, Middle East teams are really big, but they (Bahrain) are a little different, that they are quick and they can shoot.”

Matapos ang Bahrain, ang Thailand na pinangungunahan ni Tyler Lamb, at ang Rondae Hollis-Jefferson-led Jordan ang susunod na makakaharap ng Gilas.