GILAS SQUAD NAKABITIN

Tab Baldwin

IKINATUWA ni Gilas Pilipinas program director Tab Baldwin ang nalalapit na pagpapatuloy ng FIBA qualifying games bagaman inamin niya na nakabitin pa ang lineup ng national team para sa November window.

Inanunsiyo ng FIBA noong Biyernes na ipagpapatuloy nito ang November 2020 at February  2021 qualifiers para sa continental competitions nito, kabilang ang FIBA Asia Cup. And Filipinas ay isang beses pa lamang na naglaro sa qualifiers kung saan nagwagi ito kontra Indonesia noong Pebrero.

Sa halip na home-and-away format, ang mga laro para sa qualifying windows ay gagagapin ngayon sa isang  bubble. Gayunman ay hindi pa inihahayag ng FIBA ang hosts, gayundin ang bilang ng mga koponan na sasabak sa bawat bubble.

“I’m just happy to see that more parts of the world are starting to come back online, if I could use that terminology,” wika ni Baldwin.

“The fact that FIBA wants to do it in November is a little bit of a surprise, but let’s view it as a pleasant surprise that we’re gonna get back to playing basketball,” aniya.

“Hopefully, we can be part of the landscape of returning the world to some sort of normalcy.”

Gayunman, problemado si Baldwin sa timing ng resumption dahil ang PBA ay nakatakdang muling magbukas sa Oktubre  9, at inaasahang tatakbo ito hanggang Disyembre. Dahil dito ay hindi magiging available ang professional players para sa November window.

Sa Pebrero 2021, pitong PBA players — Kiefer Ravena, Abu Tratter, Poy Erram, Justin Chua, Roger Pogoy, CJ Perez, at Troy Rosario — ang magpapalakas sa Gilas squad.

Comments are closed.