GILAS SUMALANG NA SA ENSAYO

ISINAGAWA ng Gilas Pilipinas ang una nitong ensayo sa ilallm ni head coach Chot Reyes noong Lunes ng gabi sa Meralco Gym sa Ortigas Avenue, Pasig City.

Sinamahan si Reyes ng mga miyembro ng coaching staff sa behind-closed-doors session na kinabibilangan nina Barangay Ginebra San Miguel mentor Tim Cone at Gilas assistant coach Josh Reyes.

Dumalo mula sa national pool ang magkapatid na Kiefer at Thirdy Ravena, Dwight Ramos, Bobby Ray Parks, Kevin Quiambao, Carl Tamayo, Calvin Oftana, Jamie Malonzo, Kevin Alas at Francis Lopez.

Dumaan si Samahang Basketbol ng Pilipinas Executive Director Sonny Barrios sa ensayo at tiniyak sa mga player ang suporta at panalangin ng buong basketball community.

Ilan pang players, lalo na mula sa pros, ang inaasahang magpapakita sa ensayo bilang paghahanda ng Gilas Pilipinas sa dalawang qualifiers para sa fourth window ng FIBA World Cup na nakatakda sa Aug. 25-Sept. 10 sa susunod na taon.

Mangunguna sa national team para sa fourth window sina NBA star Jordan Clarkson ng Utah Jazz at 7-foot NBA hopeful Kai Sotto.

Lilipad ang Philippine team patungong Beirut para harapin ang 2022 FIBA Asia Cup silver medalist Lebanon sa Aug. 25 at pagkatapos ay uuwi para maging host sa Saudi Arabia sa SM Mall of Asia Arena sa Aug. 29.

Ang unang araw ng ensayo ay kinabilangan ng shooting drills na may ilang variations at fast ball movement, kung saan si Cone, isang two-time Grand Slam champion coach sa Philippine Basketball Association, ang nagbigay ng inputs.

Ang bansa ay co-host ng 19th edition ng FIBA World Cup kasama ang Japan at Indonesia.

Ang Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan, SM MOA Arena sa Pasay City at Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City ang magjging saksi sa salpukan ng 16 bansa mula sa orihinal na 32 qualifiers, hanggang sa finals.