PINAIGTING ng Gilas Pilipinas ang kanilang paghahanda para sa 32nd Cambodia Southeast Asian Games sa pagdaraos ng isang closed-door camp sa Laguna simula ngayong Linggo.
Ayon kay coach Chot Reyes, ang national team ay papasok sa Inspire Sports Academy sa loob ng National University sa Calamba para sa six-day training camp bago umalis patungong Phnom Penh sa May 6.
Ang Gilas pool ay magsasagawa ng twice-a-day practice para mapalakas ang kanilang SEA Games training.
“We’re going to do a lot of cramming, for lack of a better word,” sabi ni Reyes. “We want to have everyone there. Not just for the basketball practices, but for the team’s development.”
Ang mga Pinoy ay nasa Group A kasama ang Singapore, Malaysia, at Cambodia.
Makakaharap ng koponan ang Malaysia sa opening day sa May 9kung saan target nitong mabawi ang SEA Games men’s basketball gold.