GILAS VS IRAN (4 players pinalitan, Arwind, Jayson pasok)

gilas

PINALITAN ni national team coach Yeng Guiao ang apat na  players sa koponan na sumabak laban sa Kazakhstan sa fifth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers noong Biyernes, para sa kanilang laro kontra Iran ngayong araw.

Nalasap ng Gilas Pilipinas ang 88-92 pagkatalo sa Kazakhstan sa  Mall of Asia Arena kung saan nasayang nito ang pagkakataon na makasalo sa ikalawang puwesto sa Group F.

Subalit may isa pa silang pagkakataon na umangat sa joint second sa pagsagupa nila sa Iran ngayong araw sa parehong venue.

Ayon kay Guiao, isasalang niya ang apat na bagong players, sa katauhan nina Christian Standhardinger, Troy Rosario, Jayson Castro at Arwind Santos.

Si Standhardinger ang magiging naturalized player ng koponan, kapalit ni Stanley Pringle. Samantala, magbabalik naman sina Rosario at Castro matapos pagsilbihan ang kanilang suspensiyon bunga ng pagkakasangkot sa rambulan sa Australia noong Hulyo. Maglalaro naman si Santos para sa national team sa unang pagkakataon sa loob ng halos isang dekada.

Pinalitan nila sina Greg Slaughter, Poy Erram at Alex Cabagnot sae 12-man line-up.

Sinabi ni Guiao na nagsagawa sila ng pagbabago nang makita ang kawalan ng bilis ng kanilang big men sa pagkatalo sa Kazakhstan.

“There is a quickness factor, there is a speed factor that we need to consider. Because the big men that we face are big, and they’re quick, and they’re strong. So if you’re just big, it will not suffice,” ani Guiao.

“So you have to be able to combine, you have to be able to combine the size and the speed, the quickness in order to just match-up,” dagdag pa niya.

Umaasa si Guiao na sa pagsalang kina Standhardinger, Rosario at Santos, matatamo ng koponan ang kinakailangan nitong laki at bilis para malusutan ang Iran.

“We feel we’ve made the adjustment, line-up-wise. We feel that the people we put in, of course Christian has the quickness, Troy has the quickness, Arwind has the quickness, then si Jayson. So ‘yung quickness requirement namin, napunuan naman,” aniya.

Makakasama ng apat na players sa  final line-up sina Japeth Aguilar, Beau Belga, June Mar Fajardo, Marcio Lassiter, Gabe Norwood, LA Tenorio, Scottie Thompson at Matthew Wright.

Ani Guiao, sa kabila ng pagkatalo sa Kazakhstan ay nananatiling kumpiyansa ang kanyang mga bataan.

“Actually, we’re trying to put that loss behind us. ‘Pag nanalo naman tayo sa Iran, maka­kabawi tayo. Actually we will tie them in second place kung talunin natin sila,” aniya.

Comments are closed.