PANGUNGUNAHAN ni naturalized player Justin Brownlee ang 12-man Gilas roster kontra Lebanon sa sixth at final window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers ngayong Biyernes.
Makakasama ni Brownlee sina Gilas mainstay June Mar Fajardo, current PBA MVP Scottie Thompson, Jamie Malonzo, Calvin Oftana, at CJ Perez.
Nasa lineup din ang overseas-based Pinoys tulad nina Filipino-Aussie Jordan Heading, Dwight Ramos, magkapatid na Kiefer at Thirdy Ravena, at Ray Parks Jr.
Sasalang sa kanyang Gilas debut si Mason Amos ng Ateneo.
Determinado ang Gilas na makaganti sa Lebanon, na tumalo sa kanila, 85-81, noong nakaraang Agosto.
Lalaro ang Lebanese na wala ang kanilang main man na si Wael Arajki.
Ang Gilas, may 5-3 record sa Group E, ay nakasisiguro na ng puwesto sa FIBA World Cup.