GILAS WALANG PAHINGA

Gilas

WALANG pahinga ang Gilas Pilipinas at agad na sumalang sa ensayo pagdating sa Estonia.

Sa kabila ng halos 22 oras na biyahe mula sa Manila patungo sa capital city ng Tallinn – na may stopover sa Istanbul – via Turkish Airlines, ang national team ay agad na nagsagawa ng light workout sa Nord Spordiklubi Complex bago ang hapunan noong Biyernes.

Ang Pilipinas ay limang oras na nauuna sa Estonia.

Pinangunahan ni strength and conditioning coach Dexter Aseron ang evening workout na ipinost ni coach Chot Reyes sa kanyang Instagram account.

Ang Gilas ay nasa three-week European training camp bilang paghahanda sa nalalapir na FIBA World Cup.

Sa trip ay makakaharap ng mga Pinoy ang national teams ng Estonia at Finland, kasama ang 21-andunder team ng Lithuania’s Ayon kay Reyes, ang camp ay bahagi ng proseso na kailangang pagdaanan ng Gilas sa World Cup journey nito.

“If we win these games, great. But this is a training trip and that’s what the tune-up games are all about,” anang Gilas mentor sa panayam ng TV5 bago ang pag-alis ng koponan.

Isang 12-man roster ang bumubuo sa training pool sa Estonia na kinabibilangan nina June Mar Fajardo, Japeth Aguilar, Dwight Ramos, Poy Erram, CJ Perez, Kiefer Ravena, Rhenz Abando, Thirdy Ravena, Chris Newsome, Scottie Thompson, Jamie Malonzo, at AJ Edu.

Inaasahang sasali sa koponan sina naturalized players Justin Brownlee at Ange Kouame.