GILAS WOMEN BIYAHENG JORDAN PARA SA FIBA WOMEN’S ASIA CUP

UMALIS ang Philippine women’s national basketball team noong Martes ng gabi patungong Amman, Jordan, kung saan sila sasabak sa FIBA Women’s Asia Cup Division A.

Ang Gilas Pilipinas Women ay magkakaroon ng stopover sa Dubai bago magtungo sa Jordan para sa torneo simula September 27 hanggang October 3.

Ang team ay nagsagawa ng training camp sa Summit Point Golf & Country Club sa Batangas bago ang torneo makaraang makakuha ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (BSP) ng clearance mula sa local government para sa koponan.

“Each and every day was a challenge — from the swabbing to the team practices — but we need to prioritize our health,” wika ni Gilas Women head coach Patrick Aquino.

“Our mental toughness was also tested during our camp but I feel like that will help us compete against the continent’s best teams. We have to take advantage of every opportunity we get to be on the court,” dagdag pa niya.

“Our situation is unique but it will help us in the long run.”

Pinanatili ni Aquino ang core ng koponan na naghatid sa Pilipinas sa ibabaw ng podium sa 2019 Southeast Asian Games: Afril Bernardino, Janine Pontejos, Clare Castro, Andrea Tongco, Chack Cabinbin, Ria Nabalan, Khate Castillo, and Mar Prado.

Making their seniors team debuts are Ella Fajardo, Camille Clarin, Ann Pingol, at Kristine Cayabyab.

Magiging mabigat ang laban sa Amman kung saan makakaharap ng Gilas ang  world No. 7 China sa September 27 na susundan ng No. 3 Australia sa September 28 at ng No. 34 Chinese-Taipei sa susunod na araw.

Ang last-placed team sa grupo ay sasagupa sa  bottom squad ng isa pang grupo sa  relegation match.

Makakasama ni Aquino sa coaching staff sina Julie Amos, Jose Ramon Garcia, and Paolo Gorospe. Completing the team are doctor Jessie Lazaro, physical therapist Rassel Urag, at utility Leonardo Felisilda.

One thought on “GILAS WOMEN BIYAHENG JORDAN PARA SA FIBA WOMEN’S ASIA CUP”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *