GILAS WOMEN ‘OLAT’ NA NAMAN SA FIBA ASIA CUP

TINAPOS ng Gilas Pilipinas Women ang kanilang 2021 FIBA Women’s Asia Cup group phase campaign nang walang panalo matapos ang 93-52 pagkatalo sa  Taipei Huwebes ng umaga sa Amman, Jordan.

Nagbuhos si Afril Bernardino ng 24 points, 14 rebounds, 3 assists, at 2 steals subalit ang kanyang double-double performance ay hindi sapat para bitbitin ang koponan, na tumapos na kulelat sa Group B na may 0-3 kartada.

Naghabol ang mga Pinay, 17-15, sa first quarter, subalit sumabog ang opensa ng Chinese Taipei at naitarak ang 45-30 kalamangan sa half time.

Tuluyang lumayo ang Chinese Taipei sa third period nang ma-outscore ang Pilipinas, 31-11. Tanging si Bernardino ang umiskor para sa Gilas Women sa naturang quarter.

Nalimitahan ng mga Pinoy ang Chinese Taipei sa 17 points lamang sa  fourth subalit hindi gumana ang kanilang opensa at gumawa lamang ng 11 points.

Ito na ang ikatlong sunod na pagkatalo ng mga Pinay matapos ang 143-52 paglampaso ng no. 7 China at 120-56 pagdurog ng no. 3 Australia.

Ang Gilas Women ay makikipagbakbakan para sa ika-7 puwesto laban sa India, na nangulelat sa Group A.

 

Iskor:

Chinese Taipei (93) – Lin W.Y. 19, Cheng 14, Liu 13, Tai 8, Lin Y.T. 8, Chen 7, Chu 7, Lin T. 6, Peng 5, Han 4, Wang 2, Lin H.F. 0

Philippines (52) – Bernardino 24, Castro 14, Fajardo 5, Pontejos 4, Nabalan 3, Tongco 2, Clarin 0, Cabinbin 0, Castillo 0, Cayabyab 0, Pingol 0, Prado 0

QS: 26-15, 45-30, 76-41, 93-52

One thought on “GILAS WOMEN ‘OLAT’ NA NAMAN SA FIBA ASIA CUP”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *