GILAS WOMEN SA PSA FORUM

MAGIGING panauhin ang Gilas Pilipinas women’s basketball team sa online session ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayong Martes, Okt. 12.

Tatalakayin ni head coach Pat Aquino, kasama sina stalwarts Janine Pontejos at Camille Clarin ang katatapos nilang kampanya sa FIBA Asia Cup at ang iba pang plano na naghihintay sa national team.

Ang public sports program na magsisimula sa alas-11 ng umaga ay itinataguyod ng San Miguel Corporation (SMC), MILO, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant, The Daily Tribune, at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Ang session ay naka-livestream via  PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at isini-share din ng Radyo Pilipinas 2 Facebook page.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *