GILAS WOMEN SASABAK SA 2 MAJOR INT’L TOURNAMENTS SA 2022

MAGIGING abala ang Gilas Pilipinas women sa 2022 kung saan sasabak ito sa dalawang major international tournaments, kabilang ang pagdepensa sa kanilang titulo sa Hanoi Southeast Asian Games.

Ayon kay coach Pat Aquino, magsisimula ang training ng national squad sa mid-November para sa 2022 qualifying tournament ng FIBA Women’s World Cup na nakatakda sa Feb. 6-14, bagama’t hindi pa inihahayag ang venue ng kumpetisyon.

Tinatapos lamang ni Aquino at ng kanyang tropa na galing sa kanilang FIBA Asia Cup campaign sa Amman, Jordan,  ang kanilang  mandatory quarantine protocols, kung saan matapos nito ay makikipagpulong sila sa top officials ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) upang talakayin ang inaasahang abalang iskedyul ng Gilas Pilipinas women sa susunod na taon.

Sinabi ng 50-year-old national coach sa weekly online session ng PSA Forum na may initial talks na sila ni SBP Special Assistant to the President Ryan Gregorio hinggil sa kanilang mga plano.

“The SBP is very supportive to us in our coming tournaments. And I’m very happy to hear that. We’re just waiting and looking forward, preparing all the plans and getting all the players for the tournaments again,” sabi ni Aquino, na sinamahan sa public sports program nina national stalwarts Janine Pontejos at Camille Clarin.

Pangunahing prayoridad ng koponan ang mapanatili ang SEA Games title sa Vietnam sa May matapos na makopo ang gold sa unang pagkakataon sa 2019 edition ng biennial meet na idinaos sa Manila.

“Pinaghirapan namin ‘yun kaya kailangan naming mai-defend ‘yun (ang korona),” ani Pontejos.

“Definitely, I would love to be a part of that gold medal (team). We have a great program going for us,” dagdag ni Clarin, na naglaro para sa Gilas Pilipinas women sa unang pagkakataon sa huling FIBA Asia Cup.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *