GILASTOPAINTERS TODO-HANDA VS CHINA

on the spot- pilipino mirror

PINATUNAYAN ni James Yap na kaya pa niyang makipagsabayan sa mga kapwa niya player.  Sa ­unang laro ng Filipinas kontra Kazakhstan ay nanalo ang mga bataan ni coach Yeng Guiao. Gumawa si Yap ng 12 points at six rebounds. Ang 2009 Fiba Asia Championship ang huling pinaglaruan ni James na international competition. Kaya hindi na bago kay Yap ang tournament. Ang panalo ng Filipinas ay  dahil sa pagtutulong-tulong ng mga player.

oOo

Nakatuon ang pansin ngayon ni coach Yeng sa laban nila sa darating na Martes kontra China.

Malaki ang tiwala ni Guaio na kakayanin ng kanyang mga player ang mga Tsino bagama’t maglalaro ang dalawang NBA players na sina Zhou Qi ng Houston Rockets at Ding Yanyuhang ng Dallas Ma­verick. May panlaban naman ang PH team, ang NBA player na si Jordan Clarkson na isang Fil-Am. Ang ina ni Clarkson ay mula sa Angeles City. Sa paglalaro ni Jordan sa PH team ay very proud ang lola nito. Sa pagdating ni  Clarkson sa kopo-nan ay nagkaroon ng tsansa ang Filipinas na manalo laban sa mga Tsino. Good luck!

 oOo

Nagsimula na ang PBA Governors’ Cup noong Friday sa Ynares Center sa  Antipolo. Maski kahapon ay sa Antipolo pa rin ginawa ang laro. Pero sa Miyerkoles ay balik-Araneta Coliseum na kung saan masusubukan ang kalibre ni Calvin Abueva sa bagong bahay niya laban sa Columbian Dyip. Excited na rin ang former San Sebastian player para sa ibang kulay ng uniporme at pangalan ng team. Malaking hamon ito kay Abueva para pangunahan ang kanyang bagong team. Nami-miss din ng player ang dating teammates na sina Vic Manuel, Ping Eximiniano at iba pa. Bagama’t magkaiba na amg team nila ay magkakaibigan pa rin naman sila. Ang tanong, pagdating kaya sa court ay magkakaibigan pa rin sila? Hindi kaya dumating sa punto na magkapikunan sila sa loob ng court? Abangan natin ang pagtatagpo ng Alaska at Phoenix.

oOo

PAHABOL: Belated happy Birthday sa kaibigan naming si Mr. Robbie Pangilinan, at aba­ngan n’yo po ang  INC RADIO MANILA nga-yong alas-6 ng gabi. Ang MMN ang main host po ngayong gabi. Hello po kay Bro. Sammy Jimenez, nalipat na po pala kayo… Thank you po sa inyo.

 

Comments are closed.