PINANGUNAHAN ng Ginebra San Miguel Inc. (GSMI) ang pagdiriwang ng World Gin Day (WGD) kamakailan na dinaluhan ng mga brand ambassadors, dealers, kaibigan sa media at social media influencers.
Sa temang “White Party,” ipinagdiwang ng GSMI ang WGD sa isang “cool, clear, at versatile” na paraan. Ang GSMI ang producer ng Ginebra San Miguel, ang number one gin sa buong mundo.
Nagsimula sa media launch noong Hunyo 8 sa The Westin Manila sa Ortigas, magkakaroon ng serye ng pagdiriwang upang ibandera ang Hunyo bilang World Gin Month.
Ang WGD ay ipinagdiriwang sa buong mundo tuwing ikalawang Sabado ng Hunyo. Sa Pilipinas, pinangungunahan ito ng GSMI na siya ring nagdala ng unang selebrasyon ng WGD sa Asia Pacific noong 2014.
Taon-taon ay inaabangan na ng mga gin enthusiasts ang mga aktibidad ng GSMI tuwing Hunyo.“Kami’y nakikisama sa mga gin enthusiasts sa buong mundo sa pagdiriwang ng World Gin Day. Bilang tagapagtaguyod ng WGD sa ating bansa, hangad namin na pasiglahin ang kaalaman ng mas maraming Pilipino ukol sa mga kahanga-hangang katangian ng gin, dahil ito’y isang inumin na ‘Cool, Clear, at Versatile’,” ani Ron Molina, Marketing Manager ng GSMI.
‘Cool, Clear, at Versatile’
Sa isang bagong kampanya na sumusuporta sa pagpapahalaga sa gin, itinampok ng GSMI ang tatlong exciting na personalidad na naglalarawan ng mga natatanging katangian ng gin—“Cool, Clear, at Versatile.”
Ang aktor at model na si Zanjoe Marudo ang itinampok para sa “Cool” quality. Nagustuhan ng aktor ang cool at refreshing experience sa pag-inom ng gin. Para sa kanya, ang pagiging cool ay hindi lamang sa estilo at galaw. “Alam niyo kung ano ang tunay na COOL sa akin? Yung pagiging kalmado ko,” sabi ni Zanjoe. Ang kanyang natatanging gin–ang Ginebra San Miguel, ay paborito niyang inumin mula pa noong siya’y lumalaki sa Batangas.
Si Basel Manadil, ang popular na vlogger mula sa Syria na mas kilala bilang “Hungry Syrian,” ang siya namang itinampok sa “Clear” quality. Para sa kanya, wala ng hihigit pa sa GSM Premium Gin, isang distilled gin na gawa mula sa natural na sangkap at fine botanicals. Ang kanyang mga viral post ay tinangkilik ng milyun-milyong netizens. “Always be CLEAR with your intentions no matter where you go. Because everything you do, can make an impact to others” ani Basel sa pagbibigay diin sa pagiging “Clear.”
Para sa “Versatility” naman ay itinampok si Herlene “Hipon Girl” Budol, aktres at komedyante. Para sa kanya, kailangan na ang gin ay versatile–isang inumin na maaaring tangkilikin sa iba’t ibang paraan. Ang versatility ay isang bagay na kanyang dinadala rin sa buhay, lalo na’t naging kandidata siya sa isang beauty pageant. Tunay na kahanga-hanga ang versatility ni Herlene, na may angking talino, mapakumbabang personalidad, at masayahing presensya. “In life dapat VERSATILE. If you are good at one thing, you can also be good at anything! Stay true while learning many things,” ani Harlene.
Tagisan ng mga GSM Bar Academy graduate
Isa sa mga tampok sa WGD ang pagdalo ng tatlong mixologists na mga iskolar-graduate ng Ginebra San Miguel Bar Academy, isang partnership kasama ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na nagbibigay sa mga Pilipino ng pagkakataon na baguhin ang kanilang buhay sa pamamagitan ng edukasyon – nagbibigay training sa mga estudyante sa bartending, flairtending, at basic entrepreneurship.
Sa layuning makapag-produce ng mga mag-aaral na globally-competitive at job-ready, habang pinapa-angat ang kalidad ng propesyon ng bartending, ipinagmamalaki ng GSM Bar Academy na ito ay nakapagtala ng 100% immediate employment para sa lahat ng mga graduate nito noong 2022.
Ang tatlong mga graduate ng GSM Bar Academy –Jhyrus Denver A. Domingo, Angela Felarca, at JP Peñaflor – na kasalukuyang nagtatrabaho sa mga sikat na bar sa Metro Manila, ay nagpakita ng kanilang husay sa paghahalo ng mga inumin sa isang friendly competition na may temang “Gin Is In.” Tampok dito ang pinakamabentang gin sa buong mundo, ang Ginebra San Miguel at iba pang mga produkto ng GSMI gaya ng GSM Blue at GSM Premium Distilled Gin.
Ang tagumpay ng GSM Bar Academy sa pagbabago ng buhay hindi lamang ng mga mag-aaral kundi pati na rin ng kanilang mga pamilya at komunidad ay kapansin pansin. Sa katunayan, ang programa ay tatanggap ng prestihiyosong “International CSR Excellence Award,” na opisyal na ipagkakaloob sa Hunyo 16 sa London, UK.
‘Gin Is In’ Sa Buong Bansa
Bahagi ng selebrasyon ng WGD ang paglulunsad ng ikalawang season ng G-MIX Nation Online Series, na pinangungunahan ni Luis Manzano. Ipinalabas ito sa unang pagkakataon at nagtampok ng mga bagong cocktail recipe. Kasama rin dito ang Home Bar Kit kalakip ang produkto ng Ginebra at ilang mga bar tools. Ito’y mabibili online at sa mga piling supermarket.
Upang tiyakin na ang mga gin enthusiast sa buong bansa ay makakasali sa pagdiriwang ng “Gin Is In,” magkakaroon din ang GSMI ng virtual events na magbibigay saya sa mga nasa tahanan. Magkakaroon din ng mga aktibidad tulad ng mga interactive games, online raffles, at live performances mula sa mga sikat na local artist.
Sa pamamagitan ng mga pagdiriwang tulad ng World Gin Day, ang GSMI ay patuloy na magbibigay-pugay sa kahalagahan at saysay ng gin sa drinking culture sa Pilipinas. Nagpapatuloy ang GSMI sa pagbigay ng kasiyahan, habang itinataas ang antas ng kalidad at pagiging world-class ng kanilang mga produkto at serbisyo.